SBS Filipino

Mga patok na gawin kapag bakasyon ng mga bata sa Australia

SBS Filipino

School holidays

School holiday activities many Australian families love to do and try: travel, bushwalking and fishing.


Published 23 April 2022 at 1:05pm
By Annalyn Violata
Source: SBS

Maraming Australyano ang sinulit ng todo ang bakasyon ng mga bata at hindi pinalampas ang pagkakataon na makabiyahe kahit na interstate lamang. Ano nga ba ang mga patok na pasyalan para sa mga pamilyang Pinoy sa Australia?


Published 23 April 2022 at 1:05pm
By Annalyn Violata
Source: SBS


Pakinggan ang audio

LISTEN TO
Mga patok na gawin kapag bakasyon ng mga bata sa Australia image

Maraming Australyano ang sinulit ng todo ang bakasyon ng mga bata at hindi pinalampas ang pagkakataon na makabiyahe kahit na interstate lamang. Ano nga ba ang mga patok na pasyalan para sa mga pamilyang Pinoy sa Australia?

SBS Filipino

23/04/202212:51


Likas sa mga Australians ang pamamasyal o pagpunta sa mga tabing-dagat kapag walang pasok ang mga bata gaya na lamang kapag katapusan ng linggo.

Advertisement
At kapag mahaba-haba naman ang bakasyon tulad ng school break, marami talaga ang bumibiyahe. Pero dahil na rin sa hindi pa natatapos na COVID-19 pandemic, may ilan pa rin na nag-aalinlangang bumiyahe ng malayuan.

School holidays
The beautiful town of Bright in Victoria. The a base for exploring the peaks of Mount Buffalo National Park and Alpine National Park as well as Mount Hotham, a Source: Supplied by Jhaine Estorque


 

  • Highlights
  • Bakasyon ng mga bata mula sa eskwela ang isa sa pinakaabalang panahon para sa mga pamilya sa Australia.
  • Marami ang madalas bumiyahe kapag school holidays ng mga bata.
  • Planuhin ng maaga ang inyong pagbiyahe. Siguraduhing nakalista na ang inyong mga pupuntahan.

 

Tuklasin ang mga lokal na pasyalan

Ilang beses na ring bumiyahe sa ibang estado ng Australia ang pamilya ni Jhaine Estorque simula nang luwagan ng Australia ang mga restriksyon kaugnay ng COVID-19 at malaya ng makakabiyahe.

Nitong bakasyon nitong Abril, pinili ng pamilya ng muling bisitahin ang bayan ng Bright sa Victoria kung saan napakaraming pwedeng gawin na aktibidad kasama ng mga bata.

"Tagsibol ang pinakamagandang panahon para bumisita sa Bright kasi makikita mo ang tunay na kulay ng autumn. Pwede pa ring maglangoy dahil mainit-init pa rin ang panahon," ani ng ginang mula Sydney.

Sch
See the delightful colours of autumn in Bright, Victoria. Source: Supplied by Jhaine Estorque


Binisita rin ng pamilya ang "Mt Buffalo Lookout, Huggins Lookout na parehong maganda para sa paglalakad o hiking. Nagpunta rin kami sa Buckland River at Bright Splash Land Park & River Pool na patok naman para sa mga bata."
School holidays
'An all-seasons national park, Mount Buffalo has sheer cliffs, imposing granite tors, tumbling waterfalls, snow gums and stunning wildflowers.' Source: Supplied by Jhaine Estorque


Bukod sa bush walking at mountain climbing, sinubukan din nila Jhaine na fishing.

"First time kong mag-fishing. Sobrang saya pala niya. Kailangan lang talaga na mapagpasensya ka at huwag maiinip dahil makakahuli ka rin ng isda."

 

At para sa mga mahilig bumiyahe tulad ng pamilya ni Jhaine, payo niya na siguraduhin na may dalang gamot para sakaling magkasakit ang sinuman ay may maiinom na gamot.

"Lalo na kapag may mga bata, mas mabuti na lagi kang may dalang gamot para nakahanda ka. May dala din akong RAT kit para kahit paano masiguro namin na wala kaming COVID-19 at hindi kami makahawa sa iba."

School holidays
Fishing will teach your child to be patient. Source: Supplied by Jhaine Estorque


Maging handa sa pagbiyahe sa ibang bansa

Sa nakalipas na taon abala si Emil Lunasco sa paghahanap ng mga flight para sa kanyang mga employer. Bahagi ng kanyang trabaho sa isang multinational company ang pag-book ng biyahe para sa mga ka-opisina na kailangang bumiyahe pa-ibang bansa para bisitahin ang ibang branch ng kanilang kumpanya.

"Nung magbukas ang mga borders, 'yung mga flight nila ay sa iba't ibang bansa sa Asya gaya ng Singapore at maging sa US," anang ngayo'y abogado na si Emil Lunasco.

School holidays
Emil Lunasco (left) on one of his interstate travels early this year. Source: Supplied by Emil Lunasco


Dahil nga iba-iba ang mga patakaran sa bawat isang bansa, mahalaga ani Emil na  "siguraduhing nakahanda ang inyong mga dokumento kasama ang passport at mga vaccination certificate."

"Tignan din kung may mga pagbabago ba sa mga patakaran na ipinapatupad sa mga bansang inyong pupuntahan, gaya ng kailangang pagpapa-COVID test bago bumiyahe."

Bagaman malaki ang ipinagkaiba ng pagbiyahe ngayon dahil sa naging epekto ng COVID-pandemic, "huwag pa ring hayaan na mapigilan tayo sa ating mga pagbiyahe lalo na kung kinakailangan," dagdag ni Emil.




Share