Key Points
- Dumalo din ang mga miyembro ng Knights of Rizal.
- Sa unang taon dumalo ang miyembro ng Kababaihan Rizalista Incorporated na pinamunuan ng apo sa tuhod na si Jospehine Quintero.
- Ang Rizal Park sa Invermay sa Ballarat ang unang Rizal Park sa Souhtern Hemisphere.
Dumalo sa pagtitipon ng araw na iyon ang Mayor ng City of Ballarat, Des Hudson kung saan ipinaalam niya na ang mga pag-usad sa naganap na kampaniya upang pagandahin ang park. Kabilang sa development ang paglagay ng lugar para sa rebulto ni Dr Jose P Rizal at ang mga karagdagang pagpapaganda ng daan sa park.
Ang kampaniya ay pinamunuan ni Consul General ng Pilipinas sa Melbourne Ma. Lourdes Salcedo, lider ng komunidad at dating pangulo ng Filipino / Australian Association of Ballarat, Incorporated, (FAABI) Sherley Hart sa pakikipagtulungan sa FAABI at Filipino Australian Sports Club of Ballarat Inc (FASCOBI).