"This is not just feeding. It is feeding with vitamins. It comes from a well-known company that makes quality vitamins at inilalagay ito sa mga pagkain," lahad ni Sheila Raptis, isa sa mga nagpasimula ng inisyatiba sa Sydney.
Sa nakalipas na isang dekada, kasama si Raptis at ang kaibigang si Paola Llorando sa grupo ng mga Pilipino sa Sydney na nagtutulong-tulong para makakalap na pera na kanilang ini-aambag sa mas malawak na programa na 'Nourish the Children' initiative.
"Our goal, with Team Stars, is to make sure that we will raise the funds so that we can actually supply and sustain their feeding for the whole year," ani Paola Llorando.
Isang global na inisyatiba ito na pinagtutulungan ng maraming mga indibidwal at organisasyon.
Ayon sa datos ng United Nations, 663 milyong tao sa buong mundo ay kulang sa nutrisyon o undernourished.
Dalawampu't dalawang porsyento (22%) ng mga batang wala pang limang taong gulang ay 'bansot' bilang resulta ng mababang nutrisyon.
Ayon sa datos ng World Health Organization data, nasa 5.6 milyong bata na wala pang edad lima ang namatay noong 2016, o halos 15,000 pagkamatay bawat araw.
Habang iniulat ng UNICEF na nasa 3.1 milyong kabataan ang nasasawi kada taon dahil sa kulang na nutrisyon.
Pinili ng grupo nila Sheila at Paola ang mga nagugutom na bata sa Pilipinas dahil gusto nilang maibalik sa pinagmulang bansa ang tulong na kanilang ibibigay.
"I came from a High School na mayroong orphanage and that's where my inspiration started. Everytime we have reunion, I also try to fundraise for the orphanage," kwento ni Sheila.
Mula sa mga maikling salu-salo nang sinimulan ng grupo sa Sydney ang inisyatiba, taon-taon dumadami ang nagkaka-interes na tumulong at ngayong Kapaskuhan, ginanap ng grupo ang 'Share the Light' event nitong linggo para sama-samang ipagdiwang ang kanilang kawanggawa at palakasin ang pagbibigay ng donasyon kasama ng mga myembro ng komunidad Filipino sa kanlurang Sydney.

How to listen to this podcast. Credit: SBS Filipino