Napag alamang dalawang Filipino crew ang unang nagpositibo sa coronavirus matapos sumailalim sa rapid testing.
Lulan ang mga ito ng Manganese carrier na Patricia Oldendorf na karatating lamang sa karagatang sakop ng Western Australia North-West mula sa Maynila.
Ito ay naka angkla na may layong 9 nautical miles at matatagpuan sa isa sa pinaka busiest shipping port.
Nagsagawa naman ng rapid testing sa labing isang crew at kinumpirma ni Health minister Roger Cook noong Sabado na hindi nagpakita ng ano mang sintomas ng coronavirus ang mga ito.
Samantala, karagdagang pito katao pa ang nagpositibo sa coronavirus.
Nanatili sa barko ang mga bagong kaso na nagmula sa isang skeleton crew, habang ang iba naman ay dinala na sa Port Hedland upang kumpletuhin ang 14 day quarantine.



