Mga Pinoy sa Melbourne, nagbalikatan para sa kalikasan

Kiko Choir and Chedi.jpg

Kwentong Pinoy: Filipino Family Festival in Melbourne, Australia. Credit: Angelito VALDEZ Jr

Ilang aktibidad para sa mga bata ang ginanap sa Kwentong Pinoy Filipino Family Festival sa Melbourne na may temang Balikatan para sa Kalikasan.


Ang pagkanta ng 'Bahay Kubo' ng mga batang Filipino Australians ang isa sa naging tampok sa ginanap na Kwentong Pinoy Filipino Family Festival sa Melbourne.

Ang The Filipino Choir of St. Francis o Kiko Choir ang nanguna sa pagkanta at aktibidad kung saan pinahulaan sa mga bata ang mga gulay na kasama sa nasabing kanta at ano ito sa Tagalog at Ingles.
AVJ Photo KP23 (60).jpg
Kiko Choir sings 'Bahay Kubo' with children who attend the Kwentong Pinoy: Filipino Family Festival. Credit: Angelito VALDEZ Jr
Bukod dito, nagkaroon din ng book reading, puppet making, jewelry making at paggawa ng card para sa Fathers Day ang mga batang dumalo.
AVJ Photo KP23 (33).jpg
One of the Filipino Family Festival activities is creating a Filipino Father's Day card. Credit: Angelito VALDEZ Jr
Masaya sa tagumpay ng event ang nagorganisa na University of the Philippines Alumni Association of Victoria sa pangunguna ni Janeca Gross na malaki din ang pasasalamat sa mga sponsors na sumuporta.
The aim is to promote the Filipino culture and heritage here in Australia, especially for the next generation of Filipino-Australians.
Janeca Gross, University of the Philippines Alumni Association of Victoria
Balikatan Para sa Kalikasan ang naging tema ng kaganapan at nagbahagi ng mga tips para makatulong sa pangangalaga ng kalikasan ang climate resiliency lead ng Merikbek City Council si Mara Baviera.

Habang ipinakita naman ng CEO ng Zero Tag na si Joseph Yap ang mga produkto ng kanyang kumpanya na gawa mula sa recyclable materials bilang sustainability package.
Kwentong Pinoy with all attendees.jpg
Kwentong Pinoy: Filipino Family Festival attendees. Credit: Angelito VALDEZ Jr
Kumpleto ang mga staff ng konsulado ng Pilipinas sa Melbourne sa naging pagtitipon para sumuporta sa pamumuno ni Consul General Marial Lourdes Salcedo, Consul Jan Sherwin Wenceslaso, Consul Ralph Vincent Abarquez, Cultural Officer Cris Malvas at lahat ng mga staff kasama ang mga anak nito.

Ayon kay Consul General Salcedo, malaking bagay para sa komunidad ang ganitong pagsusulong ng kultura ng Pinoy kahit nasa Australia na.
I hope community organisations continue incorporating Filipino traditions into their events and involve the youth as future leaders.
Consul General Marial Lourdes Salcedo, Philippine Consulate General to Melbourne
Ibat ibang lider ng komunidad ang dumalo gaya ng dating Philippine Honorary Consul Raul Hernandez na nagbigay ng talumpati.

Binigyang pugay din ang mga tatay dahil sa Fathers Day sa pamamagitan ng pagkanta ng Da Coconut Nut na pinangunahan din ng Kiko Choir.
AVJ Photo KP23 (63) (1).jpg
Kiko Choir sings Da Coconut Nut with all father attendees. Credit: Angelito VALDEZ Jr
Ispesyal na panauhin ang dating miyembro ng singing group noong 90s na Smokey Mountain na si Chedi Vergara na nakatira na sa Australia ng labinlimang taon.

Inawit si Chedi kasama ng Kiko Choir ang mga sikat na awitin tungkol sa Kalikasan na Paraiso at Better World.
AVJ Photo KP23 (56).jpg
Smokey Mountain's Chedi Vergara sings 'Paraiso' and 'Better World' with Kiko Choir. Credit: Angelito VALDEZ Jr

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand