Mga Pinoy sa WA bigong makakuha ng appointment date para sa mobile passport mission

Embahada ng Pilipinas Canberra: Inilunsad ang Mobile Consular Missions

Source: Getty Images

Mga Pilipinong hindi nakakuha ng online appointment para sa mobile passport mission, sinisisi ang palpak na link at website.


Sinisisi ng mga Pilipino sa Western Australia ang di umano'y palpak na link at website ng Philippine embassy.

Ito ay kaugnay sa daan daang mga Pilipino na bigong makakuha ng appoinment date para sa mobile passport mission.


Highlights 

  • Ang mobile passport mission sa Perth ay gaganapin sa ika-9 hanggang sa ika-13 ng Agosto
  •  Umalma ang mga Pinoy sa WA dahil sa bigong makakuha ng appointment date para sa mobile passport mission
  • Nagpa-plano ang embahada na mag-organisa ng isa pang consular mission sa Perth sa katapusan ng taon upang ma-accommodate ang mga kababayang hindi nakapag-pabook nitong Agosto
 

Nagtalaga ng araw ang Philippine embassy kung saan maaring magrehistro at pumili ng appoinment date upang makapag renew ng passport sa pamamagitan ng link na ishinare sa Facebook page ng Philippine consulate Perth. Ngunit ayon kay Isabel na matiyagang umantabay, palpak umano ang link at website dahil ayaw magbukas nito.

Mensahe naman ng mga Pilipino sa Western Australia na sana ay mas maging organisado ang Philippine embassy sa mahahalagang aktibidad tulad ng passport renewal.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring naghihintay ng opisyal na pahayag ang mga Pinoy sa Western Australia kung may karagdagang slots na ibibigay ang Philippine embassy.

Mungkahi naman nila na kung hindi na makakapag bigay ng extension ay magkaroong muli ng passport mobile mission bago matapos ang taon.

Ayon naman sa statement ni Consul General Aian Caringal, nagpa-plano ang Embahada na mag-organisa ng isa pang consular mission sa Perth sa katapusan ng taon upang ma-accommodate ang mga kababayang hindi nakapag-pabook nitong Agosto.

Sinisiguro umano ng Embahada na maipaparating sa publiko ang kanilang serbisyo alinsunod sa mga travel at health regulations ng Australia.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mga Pinoy sa WA bigong makakuha ng appointment date para sa mobile passport mission | SBS Filipino