Key Points
- Layunin ng AU Political exchange council bigyan ng oportunidad ang delegasyon na matutuhan ang political system ng Australya at makipag-ugnayan sa ilang mga pinuno rito.
- Nakipagpulong ang delegasyon sa ilang mga miyembro ng partido Labor, Liberal, Nationals at Greens
- Nagsimula ang exchange program noong 1981.
Sa ibang balita, inaasahan na ngayong araw maipapasa sa ACT Legislative Assembly ang panukala na magbibigay kapangyarihan sa ACT Government na legal na i-acquire ang Calvary Hospital sa Bruce simula ika-1 ng Hulyo.
Puspusan ang kampanya na isinasagawa ng management team ng Calvary Hospital pati na rin ng Australian Catholic Bishops Conference para manawagan kay Punong Ministro Anthony Albanese na mag-intervene at ipatigil ang take-over ng gobyerno. Ayon kay Martin Bowles, National CEO ng Calvary Health Care, handa silang i-challenge ang legality at kuwestiyunin ang just terms ng acquisition sa korte.