Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Mga taga-Victoria, makakalibre sa pampublikong transportasyon dahil sa taas-presyo ng gasolina

Metro train of Melbourne.

Australians in two states - Victoria and Tasmania - will be able to travel on public transport for free, as fuel costs surge. Credit: Wikipedia

Sa Victoria, libre ang tren, tram, at bus para sa lahat simula Martes, 31 Mar at buong Abril bilang pansamantalang tulong sa araw-araw na gastusin sa estado.


Key Points
  • Libre ang pampublikong transportasyon sa Victoria at Tasmania dahil sa pagtaas ng gasolina.
  • Sa Victoria, trains, trams, at buses libre buong Abril; walang “tap on”.
  • Layunin ng mga Premier na magbigay ng ginhawa sa mga tao sa gastusin sa araw-araw.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Martin Tuano

Inanunsiyo ng Victorian Government o pamahalaan ng Victoria na magiging libre ang pampublikong transportasyon sa buong estado sa buong buwan ng Abril upang makatulong sa pagdagdag ng gastusin ng mga mamamayan, mula po sa ulat ng ABC, itinatayang aabot sa 70 million dollar ang halaga ng hakbang na ito.

Ipinatupad po ito habang patuloy na tumataas ang presyo ng gasolina dahil nga sa mga problema sa supply sa Middle East na nagdudulot din ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Lahat po ng pampublikong transportasyon sa Metropolitan at VLine ay magiging libre sa Victoria mula Martes, ika-31 ng Marso o March 31 hanggang Abril 30 o April 30.

Ayon po kay Premier Jacinta Allan, pansamantala lamang ang hakbang na ito para makatulong sa gastusin sa araw-araw at makapagbigay agad ng ginhawa habang naghahanap pa ang gobyerno ng pang mas matagalang solusyon.

END OF TRANSCRIPT

Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now