Michael Catayas: 'My goal is to be the biggest Fil-Aus out there'

Michae Catayas ig

Michae Catayas ig Source: Michae Catayas ig

Mula sa paglalaro ng propesyonal na basketball hanggang sa pagsali sa mundo ng showbiz sa Pilipinas at pakikipagkita sa hindi kilalang ama, namumuhay si Michael Catayas ng walang hangganan.


"In the Philippines I was really living my life whereas here it's more of that 9-5 work job, go home everyone's asleep, no one's out there, wake up and do the same routine over and over again.' Sabi ng 28 taong gulang na si Michael.

Si Michael Catayas ay isa sa mga goal-oriented, go-getter na tipo ng lalaki. Gustong-gusto niya ang spotlight. Gusto niya rin na pasayahin ang mga tao. Mahal niya ang basketball at gusto niyang nasa harap na kamera. Madali mong maramdaman ang kanyang masayahing personalidad, yung nakabibighani.

Bumalik si Michael sa Australya pagkatapos tumira ng ilang taon sa Pilipinas upang bigyan ng oras ang kanyang pamilya. Tulad ng isang empleyado, siya ay nagtatrabaho ng regular bilang taga-pamahala para sa pabangong Estee Lauder at nagmomodelo naman sa kabilang banda para sa telebisyon at printa.
Michael Catayas  in one of his modelling stints
Michael Catayas in one of his modelling stints Source: Michae Catayas
Si Michael na maraming ginagawa dito at doon ay busy din nagbibigay ng musika para sa mga corporate functions sa pamamagitan ng kanyang tatlong buwang negosyo na Budget DJ. Nakita ni Michael ang isnag oportunidad kaya kinuha niya agad ito. "The major challenge is doing it, once you do it, you do it. Just do it. It is a scary challenge cos you don't know what's behind the scenes but see that's the risk you're willing to take.'

Nang tinanong kung ano ang katangi-tangi sa kanya kumpara sa ibang DJ sa industriya? 'I'm a budget DJ and I cater to any function..And I guess I'm a dancer too and I will dance with the crowd.' Para kay Michael, ang enerhiya at personalidad nito ang naghiwalay sa kanya mula sa iba.
Michael mixing some music in a corporate event
Michael mixing some music in a corporate event. Source: Michael Catayas
Ngunit ang buhay ni Michael ay hindi lamang puro mga masasayang sandali, inilarawan niya ang buhay bilang mala-teleserye. Lumaki itong hindi nakikilala ang totoong ama. Sa nakaraang 20 taon ng kanyang buhay, lagi siyang naghahanap ng father figure kahit saan at nag-iisip kung ano ang pakiramdam ng mayroong sariling ama. Hanggang isang araw, sa tulong ng facebook, nahanap niya ang kanyang Griyegong ama na hindi alam na siya ay nabubuhay.

'I messaged him and said hey look um this is totally random...But your name is my name.. Are you my dad? We started talking and went for the dna test and um.. Result came out positive'.

Ginugugol ni Michael ang kanyang oras kasama ang ama at siya ay masaya na ang mga bahagi ng kanyang buhay ay unti-unting nabubuo. Ang pagkikita nila ng kanyang hindi kilalang ama pagkatapos ng ilang taon ay nagbigay din ng positibong epekto dahil ang ama ay ngayon napagkukunan niya ng lakas ng loob.

Natutupad na ang mga panaginip ni Michael. Habang ang plano ay nasa daan para sa isang posibleng pagbabalik sa Pilipinas ngayong 2019, tinitingnan niya ang paglalaro sa PBA at pagpasok sa showbiz ng sabay.

ALSO READ:


 

 

 

 

 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand