Bagama't tumaas ang bilang ng mga migranteng doktor, nurse at health professional sa healthcare system ng Australia. Ayon sa mga medical groups, libo-libong international medical graduates na nandito ang hirap paring matanggap ang kanilang kwalipikasyon.
KEY POINTS
- Nangako ang Commonwealth na magbibigay ng $90 million upang ayusin ang pathway para sa mga migranteng health practitioner na lilipat sa Australia.
- Sa bagong pagsusuri nalaman na 860 na mga doktor ang kailangan upang mapunan ang kakulangan ng mga GP at mahigit 10,000 ang kailangan sa susunod na walong taon.
- Sinabi ng medical association na kailangang pagtuunan ng pansin ang mga doktor na nandito na. Bagay na tinatrabaho na kasama ang Australian Medical Council.
Share





