Highlights
- Sa datos ng Fines Victoria umabot sa $55 milyon ang naitalang multa mula Marso hanggang kalagitnaan ng Hunyo nitong taon
- 5% ng mga Covid-19 offenders mula April 2020 hanggang Marso 2021 sa Victoria ay mula sa Indigenous People
- Legal professionals hiniling na suriin ang oversight panel sa Fines Victoria para sa mas patas na sistema
Inamin ng mga abogado ng mga residenteng may multa dahil sa paglabag ng Covid-19 public health orders , nahihirapang makabayad ang kani-kanilang kliyente. At isa sa tinuturong rason ay ang walang pera na pambayad.
Sa datos ng New South Wales, sa 4 na milyong dolyar na halaga ng multa na naitala, kalahati lang nito ang nakabayad simula noong Marso 2020 hanggang Marso 2021.
Lumubo naman ang bilang ng may multa sa victoria, na umabot sa $55 milyon at 5.7 milyon lang ang nabayaran sa ngayon. Ayon kay Tiffany Overall na isang Advocacy at Human Rights Officer sa Legal Rights Centre, Youth Law Karamihan sa mga namultahan ay hirap din dahil sa epekto ng pandemya at iilan lang ang nakipag-ugnayan sa mga otoridad para sa legal assistance dahil hindi makapagbayad.
"Kaunti lang sa mga kabataan o komunidad ang nakikipag-ugnay at pwedeng makakuha ng legal advice at suporta para sa kanilang multa ang iba binabaliwala lang, "kwento ni TIffany Overall.
Sabi ni overall, isa lang sya sa maraming mga legal professionals na nababahala dahil sa komplikado ang appeal system sa Victoria. Sana nga daw suriing muli ng Fines Victoria ang proseso para sa mas patas na sistema, lalo karamihan sa mga may multa ay silang mga walang permanenteng tirahan o palaboy.
"Karamihan sa mga namultahan ay silang mga homeless at yong mga lumayas dahil sa family violence, lalo na noong unang nag-lockdown."
Inamin naman ng mga pulis sa Victoria na pwede humingi ng extension at mode of payments para makabayad sa multa kailangan lang tumawag sa Fines Victoria. Pero nagbabala ang mga otoridad hindi nawawala ang multa kapag hindi nababayaran.
Sa New South Wales pinakamalaking multa na naipataw dahil sa paglabag ng Coronavirus public health order ay $11,0000 o anim na buwang pagkabilanggo. At kailangang bayaran ito sa loob ng tatlong linggo, pwede ding umapela sa korte.
Dagdag pa ng isang Criminal Defence Lawyer na si Mariecar Capili, dadaan sa internal review kung aapela pero pwede din na dumiretos sa korte.
"Sa ganitong pagkakataon, ang multa ay hindi lang simpleng multa, dahil pupunta ka sa korte at depende na sa magistrate kung ano ang parusa. may posibilidad na multa lang sya pero pwede din may criminal conviction."
Ayon sa Revenue New South Wales umabot sa $12,000 ang multa ba kanilang hinihintay na mabayaran simula Marso 2020 hanggang Marso 2021 dahil lang sa hindi pagsusuot ng masks at mayroong karagdagang bayad pa silang hindi agad nakakabayad sa due date.
Dagdag naman ni Ms. Capili maraming tumatawag sa kanilang opisina para humingi ng legal assistance tungkol sa kanilang multa.
" Sa ngayon maraming kliyente ang humihingi nga saklolo mula sa Liverpool at Fairfield local government areas, may taga Parramatta at taga Hornsby."
Maraming mga First Nations o katutubo sa Australia ang namultahan. Kaya umangal ang Chief Executive ng Victorian Aboriginal Legal Service na si George Selvansera, dahil umabot sa tag-$1700 ang multa na ipinataw sa maraming kabataang katutubo at malaki ito kumpara sa kanilang linguhang sahud.
"Maraming naghihikahos sa buhay na katutubo at ang halaga ng multa na kanilang binabayaran ay sobra kompara sa kung ano lang ang kanilang kita,"saad ni Selvansera.
Lumalabas din sa datos ng victorian crime simula buwan ng Abril 2020 hanggang Marso 2021, limang porsyento sa mga lumabag sa Coronavirus public health orders ay kabilang sa Indigenous People o First Nations. Karamihan sa kanila ay nasa edad na 25 hanggang 35 taong gulang.
Kaya gustong malaman ni Selvansera kung paano pinagdesisyonan ang pagmulta at kung may exemption ba silang mga katutubo.
"Ang malaking hamon dito ay walang umaamin kung sino sa kanila ang napatawan ng multa."
Maraming kabataan sa buong bansa ang nalalagay sa alanganing sitwasyon ngayong may pandemya, nariyan ang walang bakuna, maraming napatawan ng multa ngayong may pandemya, marami din sa kanila ang nawalan ng trabaho.
Para matugunan ang pangangailangan at suporta tungkol sa Covid-19 sa inyong wika, bisitahin ang sbs.com.au/coronavirus