Nagkaroon ng pagtaas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, mula noong Marso, at ang sentro nito ay ang Metro Manila at mga karatig-probinsya.
Bago ipatupad ang isang linggong enhanced community quarantine sa kamaynilaan, kasama ang mga probinsya ng Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal, papayagan sana ang sampung porsyentong kapasidad sa mga misa sa simbahan, partikular ngayong Semana Santa.
Pero nang ipatupad ang ECQ sa Metro Manila at mga katabing lalawigan simula nuong Lunes, binawi ang pahintulot na ito.
Highlights
- Ipinag-babawal ang pisikal na pagsasagawa at pakikilahok sa mga tradisyunal na religious activities ngayong Holy Week.
- Bumaba ng 10% ang pagbibigay-halaga ng mga Pilipino sa relihiyon, kumpara sa survey results noong 2019, na nasa record- high na 83%
- Nanawagan ang DOH para sa extension ng ECQ sa NCR plus bubble, para ma-kontrol ang pagtaas ng mga COVID cases.
Hinihimok ng simbahang katoliko, at maging ng mga opisyal ng gobyerno, ang lahat ng mga katolikong mananampalataya na makilahok na lamang sa virtual na mga paraan sa mga aktibidad bilang paggunita sa Holy week o Easter week.
Pwede rin daw gawin ang mga tradisyunal na religious rites sa bahay.




