Highlights
- Hindi i-aacommodate ang walk-ins sa mobile passport missions kaya kailangan ng ating mga kababayan na magpabook online kung nais nilang kumunsulta o magparenew ng passport.
- Pero para sa hindi makakapunta sa Embahada, Konsulado o mobile missions, maaaring mag-email sa passport@philembassy.org.au para ma-extend ang validity ng kanilang mga pasaporte.
- Bukod sa passport services, maaari ding mag oath-take ang mga approved dual citizen applicants at magrehistro ang mga overseas voters.
Ilulunsad ng Embahada ng Pilipinas ang kanilang mobile consular missions para sa buwan ng Hunyo at Hulyo.
Ang mobile passport missions ay gaganapin sa Brisbane, Perth. Adelaide at Hobart. Para sa mga Filipino na mayroon na lamang na anim na buwan na validity sa kanilang passport ay maaari nang magpa-renew sa Philippine Embassy sa Canberra, Philippine Consulate General sa Sydney at Melbourne.
Silang may edad 18 anyos pataas sa 9 Mayo, 2022 ay pwede na magparehistro bilang overseas voter o botante. At silang mga rehistradong botante ay maaring bumoto para sa pwesto ng Presidente, Bise-Presidente, Senador at Party-List Representatives.
Ang Mobile Consular Mission sa Brisbane, Queensland ay gaganapin simula 12-16 Hulyo 2021, sa Eatons Hill Hotel. Inabisuhan ang publiko para sa karagdagang impormasyon at mga serbisyo ng Embahada, bisitahin ang website nito.