KEY POINTS
- Ayon sa Australian Federal Police at mga bangko, target ng mga sindikato ang mga estudyante na maging money mule lalo na ang mga estudyante na bagong dating sa bansa.
- Ang money muling ay isang pamamaraan na ginagamit ng mga organised crime group upang ma-access ang bank account ng isang tao, kapalit ng bayad na pera.
- Inilunsad ng pulis ang kampanya sa pitong wika sa ibat ibang mga unibersidad dahil sa alala na maaring hindi pamilyar ang mga international students sa mga batas kriminal ng Australia.



