Sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon, ang komunidad ng Pilipino sa Riverland, South Australia ay ipagdiriwang ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas kasama ng bagong tatag na pamunuan nito. Layunin ng grupo na higit na palakasin ang pagkakaisa ng komunidad ng Pilipino.
Bagaman ang komunidad na matatagpuan halos tatlong oras ang hilagang silangan ng lungsod ng Adelaide, ay may matatag na samahan, sa unang bahagi lamang ng taong ito, nabuo ang pamunuan nito sa layuning palakihin ang bilang nito at palawakin ang pakikipag-ugnayan sa komunidad.
Ibinahagi ng bagong pangulo ng Riverland Filipino Community Anne Cabucos ang ibang detalye tungkol sa grupo at kanilang pagdiriwang nitong ika-16 ng Hunyo.
Share





