Nagbigay ng babala si Punong Ministro Scott Morrison na babawasan ang dami ng bilang ng tatanggaping migrante sa Australya, at sinasabi rin niyang nagkaroon ng masamang epekto ang mabilis na paglago ng populasyon sa mga pangunahing lungsod.
Sa pagbuhay ng isyu sa paglago ng populasyon, sinabi ni Ginoong Morrison na nais niyang bigyan siya ng mga estado at territoryo ng kaukulang bilang ng mga tao na kaya nilang tanggapin.
Nagbabala din ang ilang mga tagasuri na ang planong pagbabawas sa migrasyon ay di makakatulong sa isyu ng kakulangan ng mga manggagawa.
Share





