Sa ibang balita:
Pangulong Rodrigo Duterte ini-utos sa Armed Forces of the Philippine na durugin ang Abu Sayyaf Group "sa anumang paraan" kasunod ng mga nakamamatay na pagsabog ng bomba sa isang simbahang Katoliko sa Jolo, Sulu noong Linggo na pumatay ng 20 katao at nag-iwan sa higit sa 100 na sugatan;
Pinaghahanap ngayon ng mga puwersa ng gobyerno ang isang diumano'y teroristang grupo ng Abu Sayyaf na sinasabi na nasa likod ng mga pambobomba noong Linggo sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu;
Isang lider ng grupong lumad at isang lider ng magsasaka sa Northern Mindanao naiulat na nawawala mula Lunes, ayon sa pag-uulat ng isang grupo ng tagapagtaguyod ng mga karapatang pantaonoong Martes;
Kinondena ng pulisya sa Rehiyon 12 at mga opisyal ng North Cotabato ang pag-atake gamit ang mga landmine noong Lunes ng gabi na gawa ng mga pinaghihinalaang miyembro ng New People's Army sa bayan ng Magpet na nag-iwang patay sa isang pulis; at
Minamadali na ng Kagawaran ng Transportasyon ang mga paghahanda para sa pagpapatupad ng unang bahagi ng halos P100 bilyon na proyekto ng Mindanao Railway.


