Ang mga kumpetisyon sa kagandahan ay nagbago sa paglipas ng mga taon, hindi na lamang pisikal na kagandahan ang tinitignan, kung ano ang iyong maibibigay sa komunidad lalo na sa mga nangangailangan, ay isang malaking bahagi ng mga pagandahan ngayon.
At sa pagtataguyod ng kagandahan na may layunin, isasagawa ng Filipino Australian Community Association of Eastern Sydney (FACAES) ang kanilang kauna-unahang Mrs Sydney NSW at Charity Queen sa kanilang ikalawang FACAES Filipino Fiesta.
Nakausap namin ang dalawa sa pitong kandidata ng Mrs Sydney NSW at Charity Queen 2018 na si Lee Meekan at Riza Balatbat tungkol sa kompetisyon.
Ang iba pang mga kandidata na naghahangad ng nabanggit na tituo ay sina: Maria Singh, Mellie Valdez, Mary Gonzales, Jenny Buys at Racquel Delos Santos.

FACAES' President Precy Santos with the two of the seven Mrs Sydney & Charity Queen 2018 candidates (SBS Filipino) Source: SBS Filipino