Mula Perth hanggang podium: Mga batang Pilipina pinapalakas ang sarili at binabasag ang stereotype sa karate sa Australia

Ten-year-old Axelle Quiana Zulueta (left) and Julianna Billones, 11, are kicking barriers in the world of karate as they win medals from their respective competitions across Australia.

Ten-year-old Axelle Quiana Zulueta (left) and Julianna Billones, 11, are kicking barriers in the world of karate as they win medals from their respective competitions across Australia. Credit: Supplied by Alma Zulueta and Dianne Billones

Sa gitna ng Perth, Western Australia, pinatutunayan ng dalawang kabataang Pilipina na ang karate ay higit pa sa mga block, strike, at self-defence. Para kina Julianna Billones at Axelle Quiana Zulueta, ang bawat kompetisyon at panalo nila ay tungo sa pagbibigay-inspirasyon sa mga kabataang babae na kayang basagin ang mga hadlang sa pisikal at kanilang mga kakayahan.


Key Points
  • Sa buong Australia, mahigit 10,000 bata na wala pang 14-anyos ang lumahok sa martial arts o pag-aaral ng karate noong 2018, ayon sa Clearinghouse for Sport.
  • Para kina Julianna Billones at Quiana Zulueta na parehong mula Perth, ang kanilang hilig sa karate ay higit pa sa pagtatanggol sa sarili, kundi ang mga benepisyo ng pagpapalakas ng kanilang kumpiyansa, katatagan, paggalang sa iba at pagkakaroon ng mga bagong kaibigan.
  • Isang sport na madalas itinuturing na pinangungunahan ng mga lalaki, kaya gusto nina Julianna at Quiana na magbigay ng inspirasyon sa iba pang batang babae na subukan ang karate at sana'y makilala rin sila sa buong mundo.

Matuto mula sa sport

Sa unang tingin, maaaring ituring ang karate na isa sa mga extracurricular activity ng mga bata. Ngunit para kina Julianna at Quiana, ito ay bahagi ng kanilang pang-araw-araw na buhay — isang channel kung saan sila lalo nilang pinapatibay ang kumpiyansa sa sarili, pagiging matatag, at buong pagmamalaki na kumakatawan para sa kanilang pinagmulang Pilipino.

Sa murang edad pa lamang ay nagsimula na ang dalawa sa pag-aaral ng arts, mula sa magkahalong kuryusidad, disiplina sa sarili, at paghihikayat mula sa kanilang mga pamilya.

“What started as something as small as a sports activity we enrolled in quickly became something we were passionate about,” anang 10-taong-gulang na si Quiana.

“We’ve learned that karate is not just about self-defence — it’s about who you become because of it being disciplined, full of self-confidence.”

Ito rin ang sentimyento ni Julianna, 11-anyos. “It teaches you not just self-defence but how to stay calm under pressure, how to focus, be confident and how to be strong.”
The now Year 5 student, Quiana Zulueta, began learning karate at the age of six and started competing locally and nationally in 2023.
The now Year 5 student began learning karate at the age of six, and since starting to compete locally and nationally in 2023, Quiana Zulueta has been bringing home medals. Credit: Supplied by Alma Zulueta

Higit pa sa mga medalya

Nag-iisang anak, nagsimulang mag-aral ng karate si Quiana nang siya'y anim na taong gulang. Mula magsimulang sumali sa mg kompetisyon noong 2023, nakaipon na si Quiana ng hindi mabilang na mga medalya, karamihan ginto, mula sa mga lokal na paligsahan sa Western Australia.

Hindi rin ito nagpatalo sa mga labanan sa kabuuan ng Australia, nanalo ng ilang medalya, kabilang ang dalawang ginto, sa National Karate Championships noong 2023 at 2025, at isang tanso noong 2024.

"More than a sport, karate has given me a lot. Being active, being disciplined and responsible too. I also make new friends through karate," ani Quiana.
Both Julianna Billones (left) and Quiana Zulueta (right) have been amassing medals since joining local and national karate competitions.
Both Julianna Billones (left) and Quiana Zulueta (right) have been amassing medals since joining local and national karate competitions. Credit: Supplied by Diane Billones and Alma Zulueta
Bago nadiskubre ang karate, madalas na ma-bully noon si Quiana. Madalas siyang asarin ng mga bata na mas malaki at matangkad sa kanya.

"I used to be bullied by kids who were bigger and taller than me," Quiana says. "But now, I’ve learned to ignore them — they don’t bother me anymore."

Panganay sa dalawang magkapatid, limang taon lamang si Julianna nang magsimulang pumasok sa pag-aaral ng karate.

"To prepare for a competition, I train at the dojo four times a week," shares the Year 6 student. "It takes a lot of hard work and dedication, but it’s all worth it when you see how far you’ve come."
Julianna Billones
Julianna Billones hopes to continue with karate for as long as she can. Credit: Supplied by Dianne Billones
Parehong puspusan kung magsanay sina Julianna at Quiana sa tulong at patnubay ng mga bihasang instruktor. Hindi baba sa tatlong apat na beses sa isang linggo kung sila'y mag-training lalo na kung may kompetisyon.

Ang kanilang pagtatanghal ng kata (forms) at kumite (sparring) ay hinahangaan sa isang sport kung saan ang representasyon ng mga kababaihan, lalo na sa mga batang babae na may iba't ibang background, ay ngayon pa lamang umuusbongt.

Binabasag ang mga stereotype

Habang ang karate ay madalas na itinuturing na isang isport na pinangungunahan ng mga lalaki, naniniwala naman ang ama ni Quiana na si Allan, na "ito ay isang isport kung saan ang mga kababaihan at batang babae ay maaaring magkaroon ng pantay ng pagkakataon at maging mahusay dito."

"Since she likes the sport, we as parents are just always here to support her," bigay-diin ni Allan Zulueta.

Sang-ayon dito ang ina ni Julianna na si Dianne Billiones.

"As long as she finds joy in what she’s doing, we’ll stand by her every step of the journey."

"Beyond covering the costs of lessons, travel, and competitions, we always remind Julianna to simply do her best and enjoy the sport."
Quiana performing her kata (form and drills) during a competition.
Quiana performing her kata (form and drills) during a competition. Credit: Supplied by Alma Zulueta
Para kina Quiana at Julianna, ang pagpasok sa isang sport na pangunahing dinodominahan ng mga kalalakihan ay may mga hamon, ngunit naiintindihan nila na ang karate ay nagbibigay ng higit pa sa pisikal na kasanayan - ito ay mapagkukunan ng lakas at pagbibigay-lakas sa iba.

Ang kanilang pokus ay higit pa sa disiplina, mental na katatagan, at paggalang sa iba. Ito ay lalo na para sa pagbuo ng matatag na pakiramdam ng pagkakakilanlan at pagpapahalaga sa sarili.

Pinatutunayan ng dalawa na ang karate ay isang malakas na puwersa din para sa pagbabago. Hindi lang nila ipinagtatanggol ang kanilang sarili — kumpiyansa nilang inaangkin ang kanilang puwesto sa isang tradisyonal na isport na pinangungunahan ng mga lalaki, at sa paggawa nito, nagbubukas ng mga pinto para sundan ng iba.
Julianna and Jamie.png
Julianna Billones (right), when she was just starting with karate, has also inspired her younger sister, Jamie, to try the sport at age three. Credit: Supplied by Dianne Billones

Filipino pride

Habang patuloy silang nagsasanay at nag-uuwi ng mga medalya sa murang edad, alam ng dalawa kung paano hinuhubog ng kanilang pinagmulang Pilipino at dedikasyon ang kanilang pagkakakilanlan bilang mga atleta.

“We’re proud of where we come from,” ani Quiana. “It motivates us to work harder and show that girls like us can achieve great things.”

Inaasam din ng batang Zulueta na balang araw ay taas-nood siyang kakatawan para sa kanyang pinagmulan — kung hindi para sa Australia, maaaring para sa Pilipinas — sa international karate stage.

Ang dalawa ay nagiging huwaran sa kanilang komunidad, ipinapakita nila na sa kanilang dedikasyon at tamang pag-iisip, maaaring bumangon at harapin ng mga kabataan ang mga hamon sa anumang larangan.

Ang kanilang kwento ay nagbibigay-inspirasyon din sa iba pang mga Filipino-Australian na pamilya na ikonsidera ang karate hindi lamang para sa proteksyon, ngunit higit para sa mga pagpapahalaga at ugali na pinagtitibay nito: paggalang sa kapwa, pagpapakumbaba, at tiyaga.
📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand