Nang ma-stroke ang lola ni Koko Rivera, sinabi niya na determinado siyang maging isang Physiotherapist at tumuon sa rehabilitasyon para sa mga pasyente ng stroke - at ito nga ang kanyang ginawa.
"Ang mga pasyenteng nagka-stroke ay pumupunta sa amin na napakalala na ng kondisyon, kaya bago pa ako nag-apply na mag-aral dito sa Australia, 'yun na talaga ang tinitignan ko na magawa - mag-focus sa neuro-rehabilitation - dahil napaka-kaunti pa lamang ng Physiotherapist na gumagawa nito," ang pagsalaysay ng estudyante ng Master of Physiotherapy.
Layunin niya na makapagbigay ng pag-asa para sa maraming pasyente ng stroke sa Pilipinas na sa pamamagitan ng advanced neuro-rehabilitation technology, tulad ng multi-faceted robotics, ang kanilang mga kondisyon ay maaaring maging mas mahusay.