Si Eric Fortaleza, na tumanggap ng 2016 Performing Arts Residency sa Blacktown Arts Centre, ay isa sa bumuo at nanguna para sa presentasyon ng grupong The West Sessions. Siya ay isang Pilipino-Australyano na propesyonal bass player.
Ang itinuturing na isang malakas na puwersa sa industriya ng musika sa Australya at dating kalahok sa kompetisyon ng pag-awit na The Voice at X-Factor, na si Michael Duchesne, ay kasama ring mapapanood sa Blacktown Arts Centre tuwing ikatlong Miyerkules ng buwan hanggang sa buwan ng Agosto.
Makakasama din nila ang iba pang mga Pilipinong musikero na nagmula sa kanlurang Sydney.