Ang Multikultural na mga kabataan ay naging sentro ng programa para sa Araw ng mga Kabataan na bahagi ng FECCA Conference 2017 nitong nakaraang linggo kung saan tinalakay ng mga kabataan ang mga isyu na nakakaapekto sa kanila at sa mas malawak na komunidad ng Australya. Larawan: Mga miyembro at opisyal ng MyNT - Russel Sprout, Krshna Capaque, Geraldine Cusher, Margo Hi, Zade Mauger at John Kyaw Naing (Kredito sa MyNT)
Ang MyNT o Multicultural Youth Northern Territory, isang organisasyon na pinangungunahan ng mga kabataan na isinasaisip ang isang nagkakaisang grupo ng mga pinalakas na mga kabataan, na may kakayahan at mapagkukunan upang maisakatuparan ang kanilang mga ideya, ay may mahalagang bahagi sa programa ng Youth Day ng FECCA.
Ibinahagi ni pinuno ng MyNT Pilipino-Australyano Krshna Capaque ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng mga kabataan sa mga hamon at posibilidad para sa multikultura na Australia sa panayam sa kanya ni Christophe Mallet ng programang SBS French.
Panoorrin ang pagbubukas na panalita ni Krshna Capaque ng MyNT at Mohammad Al Khafaji, Chair FECCA Youth Committee sa FECCA's Youth Day program:




