Si Karen Esco ay isang Filipina soul singer na ipinanganak sa Negros Oriental, Philippines at lumaki sa Western suburb ng Melbourne, Australia.
Ang hilig ng kanyang ama sa 1970's folk song ang nag-impluwensiya kay Karen Esco na pasukin ang musika sa murang edad at nagbigay inspirasyon sa kanya na kumanta at magsulat ng mga awit.
Highlights
- Ang hilig ng ama sa mga folk songs ang siyang nag-impluwensiya sa anak na pasukin ang musika.
- Naging inspirasyon din ang pagsusulat ng tula upang pasukin ang pagsusulat ng awit.
- Hikayat ni Karen Esco sa mga kabataang musikero na maging totoo sa sariling istilo.
Makinig sa podcast
Naniniwala si Karen Esco na ang bawat musikero ay natatangi pagdating sa istilo at pagkamalikhain at hikayat niya sa mga kabataang musikero na maging totoo sa sariling istilo.