#MyAussieChristmas: 'I won't be home for Christmas'

Supplied April Rose Kabigting

Source: Supplied April Rose Kabigting

Ang pag-aral sa ibang bansa ay isang malaking desisyon, ngunit ang pagdiwang ng Pasko na malayo sa pamilya at mga malapit na kaibigan ay mas nakakalungkot.


Si April Rose Kabigting ay isang graduating student na kumukuha ng Commercial Cookery sa Academia International at nagtatrabaho din bilang cook sa isang Italian restaurant sa Flinders street, Melbourne. Ipagdidiwang niya ang pangalawang Pasko sa Australya kasama ang mga kaibigan na ngayon ay kinokonsidera niyang pamilya.

"Ay iba pa rin po ang Pasko sa Pilipinas but siyempre life must go on and since nandito na po kami we celebrated with our fellow small community group of Filipino people. We have our small community here, we call this our Bisdak [Bisayang Dako meaning laking Bisaya] community. We have exchange gift and noche buena like a traditional Filipino."

Inamin ni April na pilit niyang nilabanan ang lungkot sa unang mga buwan na pagdating sa bansa na pinaniniwalaan niyang normal para sa lahat. Kahit na nais lumipad pabalik sa Pilipinas at ipagdiwang ang Pasko kasama ang pamilya at malapit na mga kaibigan, mas pipiliin niyang maging praktikal upang maka-ipon siya dahil mag-isa niyang sinusuportahan ang sarili.

"Hindi practical na umuwi maliban sa mahal ang ticket, we have a lot of other things na kailangan isipin. Me, I'm paying for my own tuition i need to think about that, like the rent. Sayang ang kikitain po tapos iuuwi po.
00732d37-29dc-48ab-b599-283f9c66f430
Dagdag niya na-miss niya ang pagpunta sa "Simbang Gabi" kasama ang pamilya at inalala niya ang di- malilimutang Pasko sa Pilipinas.

"Memorable po yung last Christmas before ako pumunta dito kasi I know na parang matatagalan pa bago yung Christmas ulit na yun. We spend it like as a complete family, we tried to complete the Simbang Gabi. Sobrang nakakapagpasaya po na nakikita mo na kumpleto ang pamilya mo."

7ac1dbf8-73ed-4e6e-9ded-5a4df60a3b18
Naniniwala si April na mahalaga para sa mga estudyante na makipag-ugnay at sumali sa mga espisipikong grupo sa komunidad upang sila ay may mapagkunan ng tulong kung kinakailangan.

"Sobrang importante na may community group especially support groups kasi ang hirap po dito. Most of us we are here individually yung iba walang kakilala it's good may community na nagsusuport sa isa't isa. It's a very big help."

Maaaring pinakamalaking hamon ang pagiging homesick para sa kanya simula ng tumungtong sa isang malayong bansa ngunit ipinagmamalaki din niya na natalo niya ang negatibong pakiramdam. Naniniwala din siya na pagkatapos umalis sa comfort zone, siya ay mas lumago bilang isang tao- mas mabuting bersyon ng kanyang dating sarili.

Habang papalapit na ang masasayang araw, nag-paplano na si April at ang kanyang community group para sa kanilang papalapit na Christmas party. Sila ay bubuo ng simple ngunit masayang pagtitipon kung saan ang "Monito Monita" at "Noche buena" ang pangunahing kaganapan sa party.

Umaasa din siya na ang mga kapwa Pinoy na mga kaibigan na ngayon ay nag-aaral at nag-tatrabaho sa ibang estado ng Australya ay makakarating upang magdiwang kasama sila.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
#MyAussieChristmas: 'I won't be home for Christmas' | SBS Filipino