#MyAussieChristmas: 'Busy ang mga tao sa kanilang trabaho tuwing Pasko

Owen's family and friends in Melbourne, Australia

Owen's family and friends in Melbourne, Australia. Source: Owen Alarcon

Ang Pasko ay sinasabing pinaka-masayang panahon ng taon ngunit para sa ibang mga Pinoy international students, hindi ganito lagi ang kaso.


Mahirap ang maging malayo sa pamilya sa pinakamasayang panahon ng taon pagbahagi ng dating hotel manager na si Owen Alarcon.

Lumipat ang dating front office manager ng Crowne Plaza Manila Galleria sa Australia upang mag-aral ngd iploma of leadership and management.

Inamin niya nakaramdan siya ng depresyon sa mga unang buwan niya sa bansa.

"Sa totoo lang during my second or third month, hindi naman homesick pero somehow na-depress ako kasi parang I don't know if I mentioned it but I'm already 39. I spent 39 years in the Philippines so yung adjustment medyo nahirapan ako although I had friends na here. Iba pa rin pala, kasi iba ang lifestyle ko sa Philippines pagdating ko I had to literally start over and nag adjust yung mga ginagawa ko.”
Owen Alarcon with the Crowne Plaza Manila Galleria staff on his last day as Manager.
Owen Alarcon with the Crowne Plaza Manila Galleria staff on his last day as Manager. Source: Owen Alarcon

Pasko sa Pilipinas vs Pasko sa Australia

Sinabi niya na ang pasko sa Pilipinas ay mas bongga kumpara sa Pasko sa Australia kung saan napansin niya na busy sa pagtatrabaho ang halos sa mga tao.

"If I'm to compare it, doon parang pag-start ng BER month ramdam mo na, dito sa Australia parang busy talaga yung tao dito. Iba pa rin ang Pasko sa Pilipinas," dagdag ni Owen.

Samantala inilarawan din ni Owen Alarcon ang kanyang pangalawang Pasko sa Australya bilang 'masaya ngunit kakaiba'.

Dagdag niya na ang presensya ng kanyang pamilya na lilipad mula pa sa Pilipinas at Adelaide ay magbibigay ng kahulugan sa kanyang Pasko.

"We will have a simple meal on Christmas eve but the plan is on December 25 and 26, madami kaming relatives dito and madami din ang magvi-visit from Adelaide, from the Philippines so it's gonna be a grand family reunion here in Melbourne.”

Dagdag niya highlight sa kanilang party ang boodle fight at pagpapalitan ng regalo.

Dasal niya ngayong Pasko ay ang kaligtasan ng kanyang pamilya at magkaroon ng malinaw na landas para sa kanyang karera at pag-aaral.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
#MyAussieChristmas: 'Busy ang mga tao sa kanilang trabaho tuwing Pasko | SBS Filipino