Key Points
- Baha ang maraming lugar sa Luzon. May pagbaha rin sa Visayas at Mindanao bilang epekto ng Bagyong Kristine.
- Napuruhan ng bagyong Kristine ang Silangan at Hilagang Luzon, kabilang partikular ang Bicol Region at Quezon Province
- Napinsala rin ng bagyo ang mga lalawigan ng Isabela kung saan nag-landfall ang bagyong Kristine, Cagayan at Ilocos provinces at ang probinsya ng Batangas.
Inaasahan namang lalabas na ng Philippine area of responsibility ang bagyo ngayong araw ng Biyernes, ika-25 Oktubre .
Sa ibang balita, inilunsad ng Australia at ng Pilipinas ang isang development partnership plan na magsusulong ng economic growth, stability at magpapalakas ng tulungan ng mga Phlippine institutions at ng mga komunidad
Tinawag itong Australia and the Philippines Development Partnership Plan 2024 to 2029
Nabuo ito matapos ang konsultasyon ng mga government partners, civil society, pribadong sektor at ng academe
Kabilang din sa mga isinusulong nito ang paglaban sa climate change at ang pagsusulong ng gender equality, at social inclusion.