Hindi inakala ng Melbourne-based Filipino chef na si Ben Roquero na ang pagka-takam sa buchi matapos lumipat sa Melbourne ang magiging daan at inspirasyon para sa isang negosyong patok hindi lang sa mga Pinoy at Asyano na nasa Australia.
Key Points
- Nagmula sa Chinese dessert na tinatawag na jian dui, ang buchi ay isang uri ng matamis na kakanin na gawa sa glutinous rice flour (malagkit na harina), na may palaman sa loob, kadalasan ay red bean paste o mung bean. Ito ay binabalutan ng sesame seeds at piniprito hanggang maging golden brown.
- Ang sesame balls ay itinuturing na simbolo ng kasaganaan, pagkakaisa, at suwerte dahil sa hugis at kulay nito, kaya karaniwan itong inihahain tuwing Lunar New Year.
- Tubong Cavite si Chef Ben at ang kanyang asawa kung saan madalas nilang meryenda at pasalubong sa pamilya ang buchi.
- Bukod sa classic red bean filling, ipinakilala ni Chef Ben ang ube buchi, buchi-bumbong, at buchi-tikoy na tinangkilik ng kanilang mga customers mula sa iba't ibang lahi.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.




