Napansin mo ba ang pagliit ng iyong paboritong produkto? Laganap na itong nangyayari ngayon

HOUSEHOLD SHOPPING STOCK

A generic image showing household shopping items. Credit: SAM MOOY/AAPIMAGE

Binigyan ng abiso ang mga supermarket kaugnay ng isang kasanayan na kilala bilang "shrinkflation"... isang kasanayan na laganap sa industriya... at mailalarawan kapag ang isang produkto ay binabawasan ang laki, ngunit ang presyo ay parehas pa rin o kaya'y mas tumaas pa nga. Upang labanan ito - hangad ngayon ng gobyerno na pagtibayin ang mga unit pricing code... gagawing mas nababasa, kitang-kita at maihahambing ang mga label ng presyo at volume... at magkakaroon ng mga bagong parusa para sa mga supermarket na gumagawa ng maling kasanayan.


Key Points
  • Sa ulat ng ACCC noong nagdaang linggo, natukoy nito na mas nagiging karaniwan ang tinatawag na 'shrinkflation' o "pag-urong" o pagliit ng mga produkto.
  • Inihayag kahapon ng punong ministro ng Australia na gagawa siya ng mas mahigpit na batas na magpapatupad ng unit pricing code sa mga produkto.
  • Pagtitibayin ng gobyerno ang mga patakaran sa kung paano ang pag-pe-presyo ng mga yunit ng produkto - na nagpapahintulot sa mga customer na paghambingin ang halaga ng kanilang mga binibili ayon sa timbang o dami at magkaroon ng multi-milyong dolyar na mga parusa para sa mga malubhang paglabag.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand