Key Points
- Binibigyang-diin ngayong buong linggo ang importansya ng pagiging foster carer.
- Sa buong Australia, higit sa 46-thousand na mga bata ang nasa foster care system.
- Isang bagong online campaign ang inilunsad ng mga ahensya ng welfare para maka-recruit ng mga foster carer.
Tinataya na libu-libong bagong carer ang kailangan sa buong Australia para matugunan ang lumalaking demand.
Sinabi ng deputy chief executive ng Anglicare Victoria na si Sue Sealey ang mga bata na nasa foster care ay maaaring nasa edad mula pagka-panganak hanggang 17 taong gulang.
Maaari silang mangailangan ng anuman mula sa magdamag na emergency na pangangalaga hanggang sa pangmatagalang pagtira sa bahay.

How to listen to this podcast. Credit: SBS Filipino