Nagkaroon ng mga protesta sa buong bansa matapos na isang lalake mula West Australya ay natagpuang walang sala sa pagkakamatay ng isang katutubo o 'indigenous' na batang lalake Larawan: Pamilya at taga-suporta ni Elijah Doughty, sa labas ng gusali ng Korte Suprema sa Perth (AAP)
Daan-daan ang nagtipon sa Perth at Kalgoorlie at mas marami pang mga rally ang inaasahan sa mga siyudad sa silangan laban sa naging desisyon ng mga hurado.
Share