Huwag kalimutan ang Wikang Filipino

Filipino language teacher writing on the whiteboard

Source: Facebook page of FESSA

Sa Australya, mayroong mga paaralan at organisasyon na hindi napapagod na itaguyod hindi lamang ang kultura at tradisyong Pilipino ngunit pati na rin ang Wikang Filipino. Larawan: Guro ng Wikang Filipino nagsusulat sa whiteboard (Facebook page of F.E.S.S.A.)


Ang Filipino Ethnic School of South Australia (Salisbury, Inc.) o F.E.S.S.A. ay naitatag noong taong 1989 at nagtuturo ng Wikang Filipino sa ilalim ng Department of Education at Ethnic Schools Association of South Australia.

Si Gng Cora Bernardo Daniell ay isa sa nagtatag ng paaralang ito,  na isang katuparan ng kanyang pangarap na maging guro na hindi nakamtan ng mabilisan dahil sa naiba ang landas ng kanyang paglalakbay at naging isa muna siyang nars.

Just to see the faces of the kids after school na nakikipag-usap sila sa magulang nila kung ano ang natutunan nila, satisfied na ako,” pagbabahagi ni Cora hinggil sa kasiyahan na kanyang nararamdaman bilang isang guro ng Wikang Filipino.

Ang kanyang mga mag-aaral ay may iba’t ibang edad ngunit kanyang tinukoy na ang bilang ng kanyang mga estudyante ay napakababa kumpara sa ibang linggwaheng grupo: “Compared sa ibang nasyon, maliit ang Filipino school.”

Nanawagan si Cora sa mga magulang na hikayatin ang mga anak na patuloy na dumalo sa mga leksyon at suportahan ang pag-aaral ng mga ito sa tahanan. Naniniwala siya na ang pagkatuto ng ikalawang wika para sa mga bata ay hindi lamang responsibilidad ng isang guro kundi pati na rin ng mga magulang.
Students of FESSA with teachers Mrs Vicky and Mrs Min
Source: Facebook page of FESSA
Sa pagdiriwang ng ‘Buwan ng Wikang Pambansa’ sa Pilipinas, ibinahagi ni Cora kung bakit mahalaga ang pag-aaral ng Wikang Filipino bagama’t tayo’y nasa ibang bansa na: “Hindi natin dapat kalimutan ang ating kultura, tradisyon at wika. Kailangang ibahagi natin iyan sa ating mga anak, mga apo, sa mga extended families natin. Kailangan natin ibahagi iyan kasi doon tayo nagsimula. Dapat lumingon tayo sa ating pinanggalingan.”

(Nota ng Patnugot: Ang Agosto ay ang ‘Buwan ng Wikang Pambansa’ sa Pilipinas at sa taong ito, ang Department of Education sa pamamagitan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay inilabas ang tema ng pagdiriwang na, ‘Filipino: Wika ng Saliksik’. Kinikilala ng tema ang Wikang Filipino bilang isang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran.)


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand