Highlights
- Ayon sa WHO kumpara sa Delta variant, ang Mu ay mas nakakahawa dahil may kakayahan itong umiwas sa immunity ng katawan ng tao at sa bakuna
- Ang mga mayayamang bansa ay may isang bilyong doses ng bakuna, kaya nitong bakunahan ang buong adult population ng US at Europa hanggang booster doses ng mga may edad 12 anyos pataas
- Dutch National Authority nagsabi dahil sa 75 per cent ng kanilang mga residente na may edad 18 anyos pataas ay kompletong nabakunahan, 2 weeks na 100 katao lang ang natataman ng virus sa 100,000 na populasyon
Nagbabala na ang World Health Organisation sa panibagong Coronavirus variant na pinangalanang ‘Mu’. Una itong nadiskubre sa bansang Colombia noong Enero 2021. Ayon sa WHO ang variant na ito ay posibleng vaccine-resistant, kaya minomonitor ng mga eksperto.
Kumalat namang ang virus sa 43 bansa , kabilang dito ang US, Japan at South Korea. Kinumpirma ng ministry of health sa Japan na 2 na ang kaso ng tinamaan ng Mu sa kanilang bansa, ito ay noong buwan ng Hulyo at Hulyo na pawang galing ibang bansa. Tatlo naman ang naitala sa South Korea , pero wala pang nahawaan sa komunidad.
Ayon sa WHO kumpara sa Delta variant, ang Mu ay mas daling nakakahawa dahil may kakayahan itong umiwas sa immunity ng katawan at pati sa bakuna, kaya tinututukan ito ng mga eksperto. At dahil sa pagbabago o mutation ng virus mas kailangan ng mas maraming pag aaral.
Kaya may panawagan ang Health Minister ng Italy na si Roberto Speranza sa lahat ng otoridad tulungang mabigyan ng bakuna ang lahat, lalo na silang mga maliliit at naghihirap na bansa, na walang kakayahang makakuha ng bakuna.
"Nakikita natin hindi pantay ang pagbakuna ang mayayamang bansa ay halus tapos na pero ang iba wala. Bilang pangako ng "Pact of Rome" dapat lahat ay mabakunahan," sabi ni Speranza.
Ang panawagang ito ni Speranza ay kasabay ng panawagan ni UN special envoy at dating British Prime Minister Gordon Brown sa US at Europa kasama ang ilang lider sa Group of Seven na magpadala na ng bakuna sa Africa.
Dagdag ni Brown, ang mga mayayamang bansa ay may isang bilyong dose dahilan upang may kakayahan itong bakunahan ang buong adult population, ng US at Eurpora hanggang booster jabs pati sa mga bata na may edad dose pataas, kaya dapat itong ipamigay sa ibang bansa.
Sa panayam ng Sky News sa United Kingdom's vaccine Minister Nadhim Zahawi, tuloy-tuloy na ang pagpapatupad ng vaccine passport sa mga naglalakihang restaurant at venues nitong Setyembre para sumipa muli ang ekonomiya.
"Gamitin na ang vaccination certificate sa mga malalaking lugar, kaya posibleng tataas ang kaso, dapat bukas ang negosyo para sa ekonomiya. Kung lalala, gamitin ang open-shut open -shut strategy."
Sabi nito , Kahit 80 % na ng adult population ang nabakunahan, tumataas pa din ang bilang ng may virus, matapos tinanggal ang lahat ng restriksyon. Sa loob ng isang araw, sa UK 37,578 ang bagong kaso, kaya umabot na ngayon ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng Covid-19 sa 6,941,611 . At may karagdagang 120 ang namatay kaya umabot na sa133,161 ang death toll.
Sa Israel naman, buong pusong pinuri ni Israel Prime Minister Naftali Bennett ang booster drive kontra Coronavirus sa kanilang bansa. Dahil napigilan umano nito na ipatupad ang lockdown ng buong bansa bago pa ang panahon pagdiriwang ng Jewish holiday.
"Maraming salamat sa lahat dahil napanatili nating malakas ang ekonomiya at na-kontrol ang virus pati ang pagbibigay ng booster jab. Nakikita natin ang magandang resulta pero hindi pa rin tayo kompyansa," sabi ni Bennett.
Dagdag pa nito umabot na sa 2.5 milyong Israelis ang nakatanggap ng kanilang pangatlong bakuna o booster jab.
"2.5 milyong Israeli ang naka-booster jab na, sana makita ng lahat ang magandang resultang ito para hindi na sila magdadalawang isip na magpabakuna, "
Samantala, sa Russia umabot sa 18,780 na bagong coronavirus cases ang naitatala sa loob ng 24 oras, dahilan para umabot na sa 6,993,954 ang tinamaan may virus sa buong bansa. Nadagdagan naman nang 796 katao ang namatay kaya umabot sa 186,407 ang death toll.
Sa Netherlands, libong-libong mga residente ang nagprotesta sa Amsterdam. Sa sikat na Dam Square tumungo ang mga ito para ipahayag ang kanilang pagtutol sa ipinatupad na Covid-19 restrictions. Ang mga nagprotesta ay may bitbit na mga placards na nagsasabing, ibasura ang vaccination certificate at ang iba ay may nakasulat na 'freedom'.
Ayon sa Dutch government karamihan sa kanilang restriksyon ay tinapos na, maliban na Lang sa social distancing sa labas ng mga eskwelahan pero aminado ito gagawin nila ang pagsusuri sa desisyong sa darating na ika-19 ng Setyembre 2021.
Sa ngayon, sabi ng Dutch National Authority, 75 % ng kanilang mga residente na may edad 18 anyos pataas ay kompletong nabakunahan na. Kaya sa loob ng 2 linggo, umaabot na lang sa 100 katao ang tinamaan ng virus sa bawat 100,000 na populasyon.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Covid-19 sa inyong wika, bisitahin ang sbs.com.au/coronavirus