Dalawang bagong skilled visa ang inilabas na nangangailangan sa mga migrante na manirahan at magtrabaho sa mga rehiyon ng tatlong taon upang makakuha ng permanent residency.
Ang ilan sa mga eligibleng trabaho upang makapunta sa Australya sa pamamagitan ng isang bagong landas ng regional visa ay goat farmer, aktor, piloto, arkeolohiko, homeopath, nurse at karpentero.
Kabilang sa dalawang bagong rehiyonal na visa ay ang skilled employer sponsored visa.
Ang skilled work regional provisional visa ay para sa mga taong ni-nominate ng estado o teritoryong gobyerno, ipapakilala din ang visa kung saan maaring mag-sponsor ang isang eligibleng miyembro ng pamilya na manirahan at magtrabaho sa rehiyonal na Australya.
Naglaan ang pederal na gobyerno ng dalawamput limang libong pwesto para sa mga panrehiyonal na visa at kasama sa pagbabago ang pagtutulak na mabawasan ang programa ng permanenteng migrasyon ng nasyon mula sa isang daan siyam napung libo pababa ng isang daan anim napung libo.
Kabilang sa rehiyonal na visa ang buong Australya maliban sa Sydney, Melbourne at Brisbane.
Idinagdag din ang Perth at Goldcoast sa mga eligibleng lokasyon kasunod ng mga paglobby ng mga stakeholder.
Pitong designated area migration agreement ang napirmahan kasama ang mga rehiyon ng bansa upang matugunan ang espisipikong pangangailangang migrasyon ng mga migrante.
Nagtalaga din ang pederal na gobyerno ng isang grupo ng mga regional outreach officers upang sumuporta sa mga rehiyonal na taga-empleyo.
Matatagpuan ang buong listahan ng mga eligibleng trabaho sa website ng Department of Home Affairs.