Tumaas ng 20 porsyento ang obesity simula 1995, at ayon sa mga mananaliksik mula sa The George Institute for Global Health, ang moderno, mas malaking bahagi ng pagkain ay isa sa mga dahilan ng krisis sa timbang ng bansa.
Hinikayat ng Accredited Practising Dietician na si Megan Alsford ang mga Australyano na bantayan ang sukat ng pagkain at pag-aralan ang pagsali ng lahat ng food types upang manatiling malusog.


