Highlights
- Negative swab test result, kakailanganin para sa mga babyahe papuntang Davao
- Davao nagtala ng mahigit 900 na kaso, ilang mga ospital, nasa warning zone na
- 100 emplyado ng ABS-CBN mawawalan na ng trabaho sa susunod na buwan
Noong Lunes, may halos 30 pasahero na galing Manila na hindi pinayagang makalipad dahil ang ang binigay nila ay rapid test result at hindi swab test result. Kaya ang ending, sumailalim sila swab test na nagkakahalaga ng Php6,000-8,000 at napilitang mag-rebook ng flight.
Para naman sa mga locally stranded individuals o returning overseas Filipino na babalik ng Davao sa tulong ng OWWA, na lagpas 48hours yung swab test result na hawak, kailangan nilang sumailalim ulit sa isa pang test. Kung negative, ay tsaka pa lang sila hahayaang makauwi at sumailalim sa mandatory 14-day home quarantine.
Kaya paalala ng Davao LGU sa mga lilipad papuntang davao, siguraduhing may sapat na dokumento bago pumunta ng airport para iwas-aberya.
Ilang ospital sa Davao region nasa warning zone na
Ayon kay DOH Davao region ARD Dr Lenny Joy Rivera, nasa 40-50% na ang utilisation level ng Southern Philippines Medical Center at Davao Regional Medical Center sa Tagum City.
Kaya naman inilipat ng DOH sa temporary treatment and monitoring facility yung mga mild cases.
Eto yung mga COVID facilities na itinalaga ng DOH at LGU upang di masyadong ma-over populate yung mga ospital.
Sa ngayon, nasa 970 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 dito sa Davao region.
Mayor Sara Duterte tatakbo nga ba sa pagka-presidente?
Tumanggi magkumento si Davao Mayor Sara Duterte matapos banggitin ng pangulo ang kanyang payo sa anak patungkol sa pagtakbo sa pagka-presidente.
Ayon kay Sara, hindi panahon para pag-usapan ang pulitika.
100 empleyado ng ABS-CBN Davao mawawalan ng trabaho
Nasa 100 empleyado ng ABS-CBN Davao ang mawawalan ng trabaho sa katapusan ng Agosto matapos i-deny ng Kongreso ang franchise renewal ng kumpanya.
Problemado ngayon ang ilan sa empleyado dahil sa mahirap maghanap ng panibagong trabaho ngayong pandemya.


