Kumikilos ang Multicultural Disability Advocacy Association of NSW (MDAA) na matulungan ang mga may-kapansanan na mula sa iba't ibang kultura at wika na maipaalam at maipaabot ang mga impormasyon para sa mga serbisyo na ibinibigay ng gobyerno na kanilang magagamit sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Sa pamamagitan ng libreng programa ng gobyerno na National Disability Insurance Scheme (NDIS) may mga serbisyo at suporta na maaaring magamit ng mga taong may-kapansanan.
Ipinaabot ni Charlotte Dela Roca, isang Community Connector mula sa MDAA, ang mga impormasyon tungkol sa mga serbisyo na makukuha ng mga taong may-kapansanan mula sa National Disability Insurance Scheme (NDIS).

MDAA attended City of Sydney Disability Expo at Sydney Town Hall on 22 June 2019. (L-R) MDAA staff Natalie, Mely, Anthony, and Arnold. Source: Supplied by Charlotte Dela Roca/MDAA
Kabilang sa mga suporta at serbisyo ang pagtulong sa mga pang-araw-araw na gawain, pagbili ng mga kagamitan para maayos na makakilos at suporta para magawa ang mga bagay at hangarin na nais na gawin ng isang taong may kapansanan.

MDAA’s Chairperson, Vivi G Koutsounadis, received the Medal of Recognition for Individual Best Achievement in Human Rights under the Australian Aspire Awards 2020 on 09 October 2020. In photo are the members of the MDAA Governance Committee and Commissioner John Ryan, Royal Commission and MDAA community connector Charlotte Dela Roca (seated, front). Source: MDAA