Matagal nang nagta-trabaho bilang isang social worker, ang bagong pangulo ng Filipino Community Council of the ACT (FCCACT) ay nagawaran ng Medal of the Order of Australia (OAM) noong taong 2015. Larawan: Si Noonee Doronila OAM, kasama ang ngayo'y retirado na na Air Chief Marshal Sir Angus Houston AK, AFC (Isinuplay ni N. Doronila)
Si Maria Lourdes 'Noonee' Doronilla ay kinilala sa kanyang mga nagawa para sa serbisyo sa komunidad sa larangan ng social welfare at mga kultural na organisasyon sa Victoria at ACT.
At sa patuloy niyang serbisyo, bahagi siya ng mga proyekto at mga grupo na nagtataguyod para sa kalusugan ng mga kababaihan, kapakanang pantao, kultura at sining.
Share



