Lingid sa kaalaman ng karamihan, malaki ang ginampanang papel ng mga Pilipinong mandaragat sa pagtulong sa militar ng Australya sa parehong dalawang pangdaigdigang digmaan. Ngayon, pinarangalan ng pamahalaan ng Northern Territory ang 16 na Pilipinong mandaragat na namatay sa Bombing of Darwin noong ika-19 ng Pebrero 1942, at ang iba pa na nakatulong sa dalawang digmaan.
Ibinahagi ni Retired Major Paul Rosenzweig ang kanyang pananaliksik tungkol sa naging papel ng mga Pilipinong nabanggit at ang kanilang kontribusyon sa militar ng Australya.