Highlights
- NSW governement binatikos dahil sa bagal na pagpapatupad ng lockdown sa Sydney at buong estado noong Hunyo
- Delta variant nagsimulang madiskubre sa Sydney noong nagsakay ng isang crew ng FedEx freight plane mula US ang isang unvaccinated limousine driver habang walang suot na mask
- Buong Yass Valley Council sasailalim sa dalawang linggong lockdown simula Setyembre 14
Binatikos si Premier Gladys Berejiklian sa kanyang ginawang aksyon bago pa ipinatupad ang lockdown sa buong Greater Sydney noong Hunyo 26. Sa araw na iyon, dalawang beses nagsagawa ng press conference ang Premier, para palawigin ang lockdown mula Greater Sydney, Blue Mountains, Central Coast at Wollongong.
Ayon sa ginawang parliamentary inquiry, bigo ang mga ito para matukoy ang tinawag na mga super-spreader ng virus mula sa birthday party sa Hoxton Park na nangyari noong Hunyo 19. Pati pagtunton ng mga contact tracers ang lahat ng mga umatend sa party.
Nagsimula ang Delta outbreak sa Sydney noong Hunyo 16 matapos nagpositibo ang isang unvaccinated limousine driver na nagsakay ng crew ng FedEx freight plane mula US, habang walang suot na mask.
Journalist: "Ano ang time frame sa birthday party sa West Hoxton , bago nag deklara ng statewide lockdown noong Hunyo 26?
Gladys Berejiklian: "Umaksyon kami agad, kasama ng mga Health experts. Alam ko maraming may opinyon at nirerespeto ko yon basta ang importante ginawa namin ang lahat na dapat batay sa abiso ng mga public health experts."
Ayon naman kay New South Wales Opposition leader, Chris Minns walang short cut para mapigil agad ang pagkalat ng virus, pero makakatulong kung may alam ang buong estado.
Kaya di ito pabor sa pagtigil ng araw-araw na COVID-19 news conference.
" Ang buong mundo ay nangangapa sa paglaban dito sa virus, kaya kahit dito sa Australia tanggap na hindi perfect ang pagpigil sa pagkalat ng virus ang importante dito bukas ang komunikasyon ng gobyerno at may transparensiya sa mga tao," sabi ni Minns.
Noong Biyernes, Setyembre 10, sinabi na ni Premier Berejiklian na tatapusin nila ang pagbibigay ng pang-araw araw na Covid update.
Ngayon, sinabi nito na hindi na regular na alas 11 ng umaga gagawin ang kanilang update.
Kahapon pumalo sa 1,257 ang naitalang kaso ng virus sa buong estado at pito naman ang namatay. Ikinababahala naman ng otoridad ngayon ang pagdami ng nahahawaan sa mga lugar sa inner city gaya ng Glebe, Redfern, pati na sa Central Coast at Wollongong. Kabilang din dito ang ilang lugar sa kanlurang bahagi ng estado gaya ng Broken Hill at Wilcannia.
Kaya ang Yass Valley Council, ay isasailalim ng dalawang linggong snap lockdown mula ngayong araw dahil may kaso na ng virus sa kanilang komunidad.
Sinabi naman ni NSW Labor's health spokesman Ryan Park, malalagay sa peligro ang health system ang estado lalo pa’t tinatayang dadagsa ang maraming pasyente sa ICU at ospital.
"Malaking dagok na haharapin ng ating Health System ito, lalo na nilang mga frontliners pati mga paramedics na nasa ambulansya na sila yong frontline sa pandemya. Malaking pressure sa ito, sana makaya ng lahat,"sabi ni Park.
Tugon naman ni Premier Berejiklian nakahanda na ang buong pwersa ng NSW Health at para masegurong kakayanin ang posibleng pagdagsa ng pasyente, dadagdagan nila ang intensive care beds mula 500 hanggang 1,550 beds.
Sa datos kahapon, umabot sa 222 katao ang nasa I-C-U at 94 naman ang nangangailangan ng ventilators para makahinga ng maayos.
Ang ACT ay nakapagtala naman ng panibagong 13 kaso , kung saan 7 ang may kaugnayan sa kasalukuyang outbreak 6 naman ang patuloy na iniimbestigahan.
Habang nakapagtala naman ng pinakamataas na daily case ang Victoria na umabot sa 473 na kaso. Binatikos din ng oposisyon ang usad pagong na pagbabakuna sa mga bata, kumpara sa maraming bansa.
Kaya simula na kahapon, bukas na ang booking para sa bakuna ng Pfizer para sa may edad dose pataas, habang sa susunod na Lunes na Setyembre 20 magsisimula na ang pagbabakuna sa gamot na Moderna.
Pero may patutsada naman si Labor's health spokesman Mark Butler sa gobyerno kung bakit ngayon lang sinimulan ito na pwede naman sanang sinimulan noon pa kagaya ng maraming first world countries.
"May karapatan sumbatan ng mga Australians si Prime Minister Scott Morrison, kung bakit ngayon lang bakunahan ang mga may edad 12 anyos pataas na sa ibang bansa ilang buwan na silang gumawa nito gaya ng US at Canada."
Para sa karagdagang impormasyon, at kung paano tugunan ang Covid-19 sa inyong wika, bisitahin ang sbs.com.au/coronavirus