NSW tatapusin na ang lockdown sa Oktubre 11

NSW Premier Gladys Berejiklian speaks to the media during a press conference in Sydney, Monday, September 27, 2021. (AAP Image/Joel Carrett) NO ARCHIVING

NSW Premier Gladys Berejiklian speaks to the media during a press conference in Sydney, Monday, September 27, 2021. (AAP Image/Joel Carrett) NO ARCHIVING Source: AAP

Oktubre 11 itinakdang tatapusin na lockdown sa New South Wales, matapos makamit ang 70 porsyento na double-dose vaccination rate ng estado.


Highlights
  • Sa Disyembre, makakamit na ng NSW ang 90 percent double dose vaccination target
  • Oktubre 14 tatapusin na ang lockdown sa ACT
  • Tourism group sa Gold Coast nanawagan bilisan ang pagbukas ng border dahil umabot na sa 1 bilyong dolyar ang lugi dahil sa Coronavirus
Dalawang linggo na lang at  isa-isa ng aalisin ng mga awtoridad ng New South Wales ang mga ipinatupad na restriksyon sa buong estado. Ito ang ipinalabas na pahayag ni New South Wales Premier Gladys Berejiklian matapos makakamit na ng estado ang 70 percent double-dose vaccination rate sa Oktubre 11.

At dalawang linggo  matapos ang petsa na yan aabante na sa  80 percent ang kompleto na ang bakuna. Sa pagkakataong ito, papayagan ng makabyahe sa buong estado ang mga residente  at  ang mga fully vaccinated ay pwede ng makatangap ng bisita sa bahay hanggang sa sampung katao.

Pero aminado ang Premier dahil sa pag-alis ng mga restriksyon, sa Oktubre sisipng muli ang bilang ng kaso ng coronavirus.


 

 

 "technically, alam na namin na dadagsa ang pasyente sa ospital sa Oktubre, kaya may plano na dyan. Pero marami na ang double dose ng vaccine at first dose kaya may extra protection na," kwento ni Premier Berejiklian.

Sa buwan ng Disyembre inaasahang maabot na ang vaccination rate sa  90 percent  ang fully vaccinated sa estado.

Habang sa  Australian Capital Territory ,  simula Oktubre 1,  pwede ng tumanggap ng  bisita, na  dalawang tao sa isang bahay. At ang dating dalawang oras na pag-eehersisyo at outdoor recreation activities  ay gagawing apat na oras na.

At ayon kay  Chief Minister Andrew Barr tatapusin ang lockdown sa kalagitnaan ng buwan ng Oktubre.

"ito ang transition ng hakbang natin, simula  15 October, 5 katao ang pwedeng makabisita sa isang bahay at 25 katao naman ang magsalu-salo outdoors," dagdag ni Barr.

Nanawagan naman ang chairman ng  tourism group sa Queensland na Destination Gold coast na si  Paul Donovan,na  bilisan na ang pagbukas ng borders dahil tinatayang nasa 1- bilyong dolyar na ang lugi ng mga tourism operators sa estado dahil sa coronavirus.

"Tapusin na ang bangayan, harapin na ang problema. Planuhin na ang  road map sa pagtatapus ng restriksyon, bilisan ang vaccination, kailangan na nating magtulungan," sani ni Donovan.

Pero kung si Queensland's Premier Annastacia Palaszczuk ang tatanungin hindi pa ito tiyak kung kelan sila magbubukas ng kanilang borders lalo’t hindi pa nakamit ng estado ang kanilang vaccination target at kailangan pa nilang makita ang updated na Doherty Institute Modeling sa  Oktubre 1.

Dagdag pa ni Palaszczuk, ayaw nyang makapasok ang Delta variant  sa kanilang estado lalo pa’t nakasalalay ng kanilang ekonomiya sa turismo.

"Segurado akong ayaw ng tourism operators ang Delta variant dito, dahil babagsak talaga ang ekonomiya natin. Hintayin na lang natin na magbukas ang bansa sa ngayon dapat magbakuna na, " dagdag ng Premier.

Nabuhayan naman ng loob ang Qantas Chief Executive  na Alan Joyce  matapos nabalitaan na malapit ng magbukas ang border ng Western Australia  sa mga taga-New South Wales at Victoria, at ito ay sa  Pebrero sa susunod na taon.

Plano kasi ng qantas na ibalik na ang international flights  sa darating sa Disyembre 18,   sa rotang Australia-London

" hopeful tayo na  makuha natin ang Darwin, at Melbourne-Darwin-London. Pwede din sa Perth kung hindi isama na stop sa Singapore," dagdag ni Joyce.

Dagdag pa ni Joyce basi sa  plano ng New South Wales  babalik ang interstate flights  sa 25 ng Oktubre at ang rotang Melbourne-Sydney ay muling bubuksan sa ika-5 ng Nobyermbre.

Kaya puspusan ngayon ang vaccination rollout sa buong  estado ng Victoria. Nagbibigay na din ang gobyerno ng grants sa  mga doktor at pharmacist para mapabilisan ang pagbakuna.

"common sense, dapat additional na sahod, para sa karagdagang  staff, doktor , nurses , at addtional na espasyo para sa vaccination, " paliwanag ni Premier Andrews. 

Para sa karagdagang impormasyon, suporta at mga hakbang  kontra Covid-19 sa inyong wika. Bisitahin ang  sbs.com.au/coronavirus


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand