Tumitingin sa lehislasyon ang New South Wales, na maaring maglagay ng mabilis magpa-putok na sandata, sa kamay ng mga riot squad. Samantala, gusto naman ng Victoria, ng mas mahigpit na seguridad sa mga paliparan, at isang pambansang programa sa mga batas ng parole.
Estado ng Victoria, nagsalita ng matigas tungkol sa mga hakbang sa seguridad
Ang gobyerno ng dalawang estado,na may pinaka-malaking populasyon sa Australya, ay itinutulak upang gumawa ng bagong hakbang sa seguridad, sa gitna ng katatapos na mga pag-atakeng terorista. Larawan: Si Kumisyoner Mick Fuller ng New South Wales Police (AAP)
Share

