Key Points
- Tubong Bulacan ang social media content creator at comedian na si John Dela Cruz o mas kilalang Nurse John, pero sa edad na labing 17 nag-migrate sa Canada.
- Siya ay nurse at naging nursing clinical instructor, at taong 2024 pumunta ng US para ipapagtuloy ang career bilang stand-up comedian.
- Sa taong 2021 umaabot sa higit 316,000 ang mga registered nurse na nagtatrabaho abroad sa buong mundo. Habang sa ulat nitong Hunyo 2023 tinatayang 6% ng kabuuang workforce ng mga nurse sa Australia ay mga Filipino.
Tubong Bulacan at mula Montreal, Canada, si John Dela Cruz o Nurse John nakabase sa US simula 2024 para maging comedian. Bago nito, matagal siyang nurse at huling naging nursing clinical instructor. May higit 12 milyong followers sa TikTok at Instagram, at unang sumikat noong panahon ng COVID-19.
Itinuturing na malaking impluwensya sa kanyang buhay ang kanyang ina na isang OFW, Lola at Lolo na tumayong mga magulang nang mahabang panahon habang nasa Pilipinas.
RELATED CONTENT

Buhay Influencer
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.