Tatlong buwan pa lamang sa kanyang tungkulin bilang ambasador ng Pilipinas sa Australya, ngunit binigyang-diin ni Philippine Ambassador Ma. Hellen De La Vega na ang pagtataguyod para sa kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa sa ibayong dagat ay isa sa mga haligi ng patakarang panlabas ng Pilipinas.
Habang ang mga host ng bansa tulad ng Australya ay may mga patakaran na nagpoprotekta sa mga manggagawa sa isang partikular na bansa, inulit ng Ambasador ng Pilipinas para Australya na ang Embahada ng Pilipinas ay isang malakas na tagataguyod para sa pagtaguyod at proteksyon ng mga migranteng manggagawa partikular sa Australia.
Ang OFW Helpline kasama ng iba pang mga serbisyong konsular ay magagamit ng mga Pilipinong migrante sa Australya na nangangailangan ng tulong.
Nakikipag-tulungan din ang embahada sa ilang mga stakeholder kabilang ang mga konsulado at mga kinikilalang konsulado sa iba't ibang bahagi ng Australya, dagdag ng Ambassador.