'Okay ako, don't worry' Dating Pangulo Rodrigo Duterte mula sa ICC detention

Netherlands EU International Court Duterte

Supporters of former Philippine President Rodrigo Duterte hold flags and banners during a demonstration outside the International Criminal Court detention center near The Hague in Scheveningen, Netherlands, Wednesday, March 12, 2025. Source: AP / Omar Havana/AP/AAP Image

Mananatili sa Hague Penitentiary Institution si Dating Pangulong Rodrigo Duterte habang naghihintay ng trial ng International Criminal Court o ICC para sa kasong crimes against humanity kaugnay sa madugo umanong war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon.


Key Points
  • Nang dalhin sa Penitentiary, may mga tagasuportang sumalubong sa kanya sa gate ng kulungan na sumisigaw ng “we love Duterte,” at bring him back.”
  • Sinalubong si Duterte sa Netherlands ng mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas duon at binigyan siya ng Consular Assistance
  • Kasama ni Duterte sa kanyang flight mula sa Manila si Dating Executive Secretary Salvador Medialdea, isang nurse at isang personal assistant.
Sa Manila, naghain si Davao City First District Representative Paolo Duterte, ang anak ng dating Pangulo, ng petisyon sa Korte Suprema, kaugnay sa pag-aresto sa kanyang ama.

Ito ay ang petition for Writ of Habeas Corpus.

Hiniling ng Kongresista sa Korte Suprema na mag-isyu ng temporary restraining order sa umano’y pakikipagtulungan ng pamahalaan sa International Criminal Court (ICC) at Interpol para sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Pumirma sa petisyon bilang abogado si dating Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa panig naman ng Administrasyong Marcos, iginiit ng Department of Justice na isandaang porsyentong ligal ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Justice Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavano, nasunod ang rules and protocols nang ipa-aresto si Duterte.

📢 Where to Catch SBS Filipino


🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.



📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand