Habang patuloy na pinagninilayan ng mga Australyano ang mga epekto sa kalusugan ng nagdaang panahon ng kakila-kilabot na bushfire at ang coronavirus pandemic, muling pinagtibay ng mga eksperto ang mensahe sa climate change nitong World Environment Day (5 Hunyo, 2020).
Natatakot ang mga tagapagtaguyod at mga siyentipiko na ang epekto ng krisis sa kalusugan ay hadlangan ang pagtulak kaugnay ng pagbabago ng klima at pabagalin ang momentum nito.
Mga Highlight
- Nagpapatuloy ang mga tagapagtaguyod at mga siyentipiko sa kanilang panawagan para sa pagkilos ng pagbabago sa klima ngayong World Environment Day ( 5 Hunyo).
- Natatakot ng mga eksperto na ang epekto ng coronavirus ay magpabagal sa momentum.
- Hinihikayat ang pamahalaan na gamitin ang pagbawi pagkatapos ng COVID-19 bilang isang pagkakataon upang magsikap para sa isang mas malinis na kinabukasan.
Share





