Ang One Billion Rising, pinakamalaking sabayang pagkilos upang wakasan ang karahasan laban sa kababaihan sa kasaysayan ng tao, ay isang kampanya na sinimulan noong Araw ng mga Puso ng taong 2012.
Sa taong ito, nilalayon ng kampanya na manindigan bilang pakikiisa laban sa pagsasamantala sa mga kababaihan. At kinausap namin si Jane Corpuz-Brock, executive officer ng Immigrant Women's SpeakOut Association, tungkol sa magaganap sa Araw ng mga Puso sa taong ito.