Maraming Pinoy migrants na katulad ni Joy at Hannah ang naghahanap ng kasagutan para sa kanilang kasalukuyang sitwasyon. Karamihan sa kanila, dumudulog sa mga online forums, pero hindi lahat ay direktang nasasagot. Kaya isang hakbang ang ginawa ng Filipino online community group na Filomates para tulungan ang mga kababayan na nalilito pagdating sa usapin ng visa at migration.