Mga Highlight
- Ang mga lolo't lola ay naghahanap ng malikhaing paraan upang kumonekta sa kanilang mga apo online
- Ang responsableng lola ay kinabibilangan ng pag-iingat sa mga tinatahak o ginagawa online na iyong apo
- Ang Australian Multicultural Foundation ay may isang app, ang CyberParent app na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa seguridad sa cyber, online na pang-aapi at social media sa 17 na wika.

Source: grandpa online Getty Imagesfstop123
Napag-alaman ng pananaliksik ng Center for Social Impact na, isang-katatlo ng mga may edad na higit sa 50, kundi man mababa ang literasiya sa digital ay hindi gumagamit ng isang digital device o internet – at ang kalakaran na iyon ay mas lumala para sa mga may edad na higit sa 70, na may halos tatlong-kaapat ay digital disengaged o hindi gumagamit.
Ang pangangailangang makipag-ugnayan sa kanilang mga apo sa hindi pamilyar na digital na kasangkapan ay nagpalala sa pakiramdam ng pagkabalisa at kalungkutan sa mga matatanda ayon kay Elisabeth Shaw, isang beteranong psychologist na namumuno sa Relationships Australia NSW.
Para sa mga tips sa cyber security, ang mga pangunahing kasanayan sa online tulad ng social media at mga transaksyon online, bisitahin ang website ng gobyerno pederal: https://beconnected.esafety.gov.au

Many seniors learn how to communicate with their grandchildren via digital applications Source: Getty Images/Artur Debat
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga scam at mga panganib sa online, bisitahin ang http://staysmartonline.gov.au/
Kung nais makipag-chat tungkol sa mga isyung personal, pamilya o trabaho, maaaring tumawag sa Time 2 Talk ng Relationships Australia NSW sa libreng serbisyo sa telepono sa numerong 1300 022 966 Lunes hanggang Biyernes mula 9 ng umaga hanggang 5 ng hapon.
Para sa bente kwatro oras na (24/7) na libreng suportang emosyonal, tumawag sa Lifeline sa 13 11 14 o Beyondblue sa 1300 22 4636.
Maaaring ma-akses ang libreng tagapagsalin sa pamamagitan ng pagtawag TIS helpline sa 13 14 50 at hilingin na maikonekta sa iyong napiling pangsuportang organisasyon.
Dapat na panatilihin ng mga tao sa Australia ang hindi bababa sa 1.5 metrong layo mula sa isa't isa. Alamin ang mga paghihigpit na ipinapatuad sa inyong estado o teritoryo.

Source: bedtime story Getty Images NoSystem images
Ang pagsusuri para sa coronavirus ay malawak na magagamit sa buong Australia. Kung nakakaranas ka ng mga sintomas ng sipon o trangkaso, pagpatala para sa pagsusuri sa pamamagitan ng pagtawag sa iyong doktor o kontakin ang Coronavirus Health Information Hotline sa 1800 020 080.
Ang coronavirus tracing app na COVIDSafe ng pamahalaang pederal ay magagamit na, i-download lamang mula sa app store ng iyong telepono.
Nakatuon ang SBS na ipaalam sa iba't ibang mga komunidad ng Australia ang tungkol sa pinakabagong kaganapan kaugnay ng COVID-19. Tunghayan ang mga balita at impormasyon sa 63 na wika sa sbs.com.au/coronavirus.