Ang ating kasalukuyang henerasyon ay may karapatan na maghabla sa ngalan ng mga susunod na henerasyon upang matigil ang kasalukuyang pinsala sa kapaligiran, ayon sa doktrina ng Intergenerational Responsibility.
Sa isang nabanggit na kaso sa pananagutan ng bawat henerasyon sa isa't-isa, pinagtibay ng Korte Suprema ng Pilipinas ang legal na katayuan at karapatan ng mga bata na simulan ang pagkilos para sa kanila at sa susunod na henerasyon.
Higit pang detalye ang ibibigay ng abogadong tumatalakay sa isyu ng kapaligiran at isa sa mga nangungunang tinig sa Asya sa pandaigdigang batas sa kapaligiran, na si Antonio Oposa Jr tungkol sa "Oposa Doctrine," at ang responsibilidad ng kasalukuyang henerasyon na maprotektahan ang ating kapaligiran.

(L-R) Antonio Oposa Jr with Chief Judge of the Land and Environment Court of New South Wales Brian Preston and Professor Ben Boer (SBS Filipino/AViolata) Source: SBS Filipino/AViolata