Out Run, ginagawang matindi ang laban sa pulitika

Out Run the movie

Out Run the movie Source: Supplied

Ang pelikulang Out Run ay isang obserbasyonal na dokumentaryo na sinusundan ang 'Ladlad', ang una sa mundo na LGBTQI na partido pulitikal sa Pilipinas, habang si Bemz Benedito ay nanga-ngampanya upang maging unang babaeng transgender sa kongreso ng Pilipinas. Ang dokumentaryo ay nagbibigay din ng pananaw patungkol sa komunidad ng mga Pilipinong LGBTQI. Larawan: Out Run the movie (Supplied)


Sa direksyon at paggawa nina Johnny Symons at S. Leo Chiang, ang pelikulang Out Run ay isa sa mga pelikulang ipapalalabas sa Mardi Gras Film Festival sa buwang ito.

 

Ayon kay Chiang, ang kanilang interes sa katayuan ng mga komunidad LGBTQI sa buong mundo ang naging daan upang mabuo at gawin ang dokumentaryo tungkol sa kilusang LGBTQI sa Pilipinas.

 

Ipapalabas ang Out Run mula ika-15 ng Pebrero hanggang ikalawa ng Marso, sa 2017 Mardi Gras Film Festival sa Sydney. Ipapalabas din ito sa Parramatta sa Abril.

 

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang www.outrunmovie.com o www.queerscreen.org.au.






Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Out Run, ginagawang matindi ang laban sa pulitika | SBS Filipino